Mga Detalye
Pangalagaan ang Pananampalataya ng Iyong mga Apo, Anuman ang mga Hadlang
Kahit sa ilalim ng pinakamagandang mga sitwasyon, kailangan ng oras at intensyon upang maging disipulo ang mga apo at maipasa ang isang pamana ng pananampalataya.
Gaano nga ba kahirap kapag ang iyong pamilya ay dumaranas ng mga hamon tulad ng diborsyo, paghihiwalay, o mga alibughang anak?
Ang "Pagdaig sa mga Hadlang sa Pagiging Lolo at Lola" ay isang kapaki-pakinabang na gabay sa pag-impluwensya sa buhay ng iyong mga apo kahit sa pamamagitan ng mga nakapanghihina ng loob o nakasasakit na sitwasyon, tulad ng…
Ang isang batang nasa hustong gulang ay hindi sumusunod sa Panginoon
May diborsyo na naglilimita sa pag-access sa iyong mga apo
Ipinagbabawal sa iyo ang pagtalakay sa mga bagay na espirituwal kapag binibisita mo ang iyong mga apo
Hindi porket hindi ka makakasama nang matagal ang mga apo mo gaya ng gusto mo, hindi ibig sabihin na hindi ka na makakaapekto nang malaki sa buhay nila.
Sa aklat na ito, makakahanap ka ng karunungan, mga kapaki-pakinabang na payo, at pampatibay-loob upang magtiyaga.
Mapapaalalahanan ka rin na hindi ka nag-iisa sa mapaghamong sitwasyong ito–kung gaano mo kamahal ang iyong mga apo, mas lalo silang minamahal ng Diyos.
Maghanap ng mga praktikal na kagamitan at pampatibay-loob upang kumonekta sa iyong mga apo nang sa gayon ay maibahagi mo ang pagmamahal ng Diyos at mamuhunan sa kanilang pananampalataya nang higit pa sa dati.
Lakasan mo ang iyong loob, at huwag mong kalimutan na may mahalagang papel ka sa plano ng Diyos na maabot ang susunod na henerasyon para kay Kristo.
Si Larry Fowler ang nagtatag ng Legacy Coalition, isang pambansang ministeryo ng pagiging lolo at lola. Ang kanyang mahigit apatnapung taon ng pamumuno sa ministeryo, kabilang ang karanasan bilang pastor ng kabataan, misyonero, tagapagsanay ng kawani, internasyonal na direktor, at senior executive para sa Awana, ang naghanda sa kanya para sa mahalagang tungkuling ito. Si Larry at ang kanyang asawang si Diane, ay nakatira sa Riverside, California. Sila ay may dalawang anak at pitong apo.
Si Josh Mulvihill (PhD, Southern Baptist Theological Seminary), ang pangkalahatang editor, ay ang executive director ng church and family ministry sa Renewanation at nagsilbi bilang pastor sa loob ng halos dalawampung taon. Siya ay isang founding member at director ng resources para sa Legacy Coalition, isang pambansang lider sa grandparenting ministry. Si Josh at ang kanyang asawang si Jen, ay nakatira sa Victoria, Minnesota, at biniyayaan ng limang anak.